Akademikong Sulatin
December 31, 2024
Buod ng Pelikulang Heneral Luna: Paninindigan sa Mahal na Bayan
Sa pagitan ng dalawang bansa, ang bansa ng Pilipinas at ng Amerika, may isang heneral na nagngangalang Antonio Luna. Nagsimula ang lahat ng pangyayari nang magkaroon ng kasunduan ang dalawang bansa. Ibinigay na kasunduan ng mga Amerikano ang pakikipag sanib-puwersa sa kanila ng mga Pilipino dahil kilala ang kanilang bansang Amerika bilang pinaka malakas na bansa. At dahil sa matatamis na salita ng mga Amerikano, ay pumayag ang mga Pilipino (Pamahalaan ng Pilipinas) kahit hindi nila alam ang tunay na balak at intensyon ng mga ito. Ang mga ibang nasa posisyon ay nag panatag ang loob at ibinigay ang tiwala sa kasunduan ngunit naiiba sakanila si Heneral Luna.
Minsan nang nagpupulong sina Heneral Luna ang mga nasa posisyon sa pamahalaan ng Pilipinas ukol sa kasunduang kanilang binitawan at tinanggap galing sa mg Amerikano. Dahil sa mga nabubuong hinala sa utak ni Heneral Luna ay ibinahagi niya ito sa mga kasama, ngunit nagdadalawang isip ang mga ito sa takbo ng isip nito. Ngunit habang tumatagal ay lumalabas din ang tunay na balak ng mga Amerikano na pagsakop sa bansa ng Pilipinas. Kaya kumilos si Heneral Luna at pinamunuan niya ang kaniyang mga sundalo sa digmaan laban sa mga Amerikano.
Hindi tumigil sa pamumuno sa digmaan si Heneral Luna. Kung ano-anong pamamaraan ang kaniyang ginawa upang palakasin ang kanilang puwersa, pinanghawakan niya ang kaniyang paninindigan kahit sa mga sandaling matatalo na ang kanilang puwersa. Ngunit sa kabila ng kaniyang paghihirap, ang kalayaang kaniyang ipinaglalaban para sa kaniyang bayan na malapit na sana niyang makamtam ay biglang nawala. Dumating na lamang ang araw na si Heneral Luna ay inaataki na ng hindi ng kaniyang mga kalabang Amerikano, kung hindi ng kaniyang mga kababayang Pilipino. Pinag babaril nila ito dahil sa poot nila Kay Heneral Luna sa mga desisyon nito. Sa hindi inaasahan, si Heneral Luna ay namatay ng ipinaglalaban ang kaniyang bayan ngunit sa kamay ng mga kapwa Pilipino nagwakas ang kaniyang buhay.
Realisasyon:
Ang istoryang ito ay nag iwan ng mga mahahalagang aral sa buhay. Ang pagkakaroon ng paninindigan sa isang bagay na ito'y ipaglaban kahit na anong mangyari gaya na lamang ng katapangang ipinakita ni Heneral Luna. Ang pagiging maalam at mausisa sa bagay-bagay sa kapaligiran, sa kung ano ang tama ta mali, ano ang dapat panigan at hindi dapat panigan ng tayo ay hindi matulad kay Heneral Luna na pinagtaksilan ng sariling mga kababayan. At higit sa lahat, sa buhay, tayo ay dapat marunong makinig at tumanggap ng payo mula sa iba kahit na tayo ay may mataas na posisyon, na hindi tulad ni Heneral Luna na hindi pinakinggan ang mga kasama. Dahil kapag tayo ay marunong mag isip at marunong makinig, tayo ay mamumuhay ng masaya at matagumpay.
Katitikan ng Pulong: Pagpapatayo ng Gusali sa BUAD
Layunin ng Pulong: Pagpapatayo ng Gusali sa BUAD para sa mga Senior High.
Petsa/oras: Nobyembre 17, 2024.
Simula ng Pulong: 10:47, Pagtatapos ng Pulong: 10:53
Tagapanguna: Norhidaya Abdulqahar
Bilang ng Dumalo: Dalawampu't apat/24.
Mga Dumalo: H.salim, Dimaporo, Isra, Amer, Imam, Mamongcara, Aziz, Macaindig, Macaombao, Nader, Daracag, Aminoden, Manalao, Mangoda, Adiong, Ampatua, Igasan, H.Esmael, Awal, Ayob, Disomimba, Alibasa, Abdulfatah, Abdulqahar.
Liban: Esmayaten at Abdulcader
Pagbubukas ng Pulong: Binuksan ni Gng.Jannah Adiong ang pulong sa pamamagitan ng pamumuno ng Pambansang Awit ng Pilipinas.
Panalangin: Pinangunahan ni Ginoong Hamdi Manalao ang panalangin.
Pananalita ng Pagtanggap: Taos pusong tinanggap ni Gng.Norhidaya Abdulqahar ang lahat.
Pagbasa at pagpapatibay ng Nagdaang Pulong: Nabanggit ni Gng.Rowaidah ang pagsang-ayon ni Ginoong Esmayaten sa naunang pagpupulong noong Nobyembre 08, 2024.
Pagtalakay sa Agenda:Pinatuloy ni Norhidaya ang lahat ng nakadalo at binigyang chansa si Abdulfatah na magsalita ukol sa naunang pagpupulong.
Rowaidah: Sa acting naunang pagpupulong na isinagawa noong ika-walo ng Nobyembre taong 2024 na Pinangunahan ni Esmayaten, at sinang-ayonan ni Ginoong Mangoda.
Mangoda: Ayon sa ating pagpupulong, lahat kayo ay sumang ayon sa pagpapatayo ng Gusali sa BUAD.
Aminoden: Hindi ako sumasang ayon dahil saan niyo maaaring ipatayo ang gusali?
Aziz: Maaari nating pagisipan ng mabuti. Paano kung ganito na lamang, tanggalin natin ang Kalimudan dahil mayroon naman tayong Gym.
Aminoden: Masyadong matrabaho at malaki ang perang magagamit. Bakit hindi na lamang sa mga bakanting loti sa Admin?
Ayob: Sang-ayon ako.
Tinanong ni Abdulqahar si Engineer Daracag sa kaniyang opinion......
Daracag: Sang ayon ako dahil napaka sikip n sa building na ito. Walang problema sa pera.
Pagtatapos ng Pulong: Tinanong ni Abdulqahar ang lahat kung sang-ayon ba ang mg ito. Sumang ayon ang lahat.
Iskedyul ng susunod na Pulong: Wala.
Manunulat: Khalil, Salmah A.
Comments
Post a Comment