Akademikong Sulatin
December 31, 2024 Buod ng Pelikulang Heneral Luna: Paninindigan sa Mahal na Bayan Sa pagitan ng dalawang bansa, ang bansa ng Pilipinas at ng Amerika, may isang heneral na nagngangalang Antonio Luna. Nagsimula ang lahat ng pangyayari nang magkaroon ng kasunduan ang dalawang bansa. Ibinigay na kasunduan ng mga Amerikano ang pakikipag sanib-puwersa sa kanila ng mga Pilipino dahil kilala ang kanilang bansang Amerika bilang pinaka malakas na bansa. At dahil sa matatamis na salita ng mga Amerikano, ay pumayag ang mga Pilipino (Pamahalaan ng Pilipinas) kahit hindi nila alam ang tunay na balak at intensyon ng mga ito. Ang mga ibang nasa posisyon ay nag panatag ang loob at ibinigay ang tiwala sa kasunduan ngunit naiiba sakanila si Heneral Luna. Minsan nang nagpupulong sina Heneral Luna ang mga nasa posisyon sa pamahalaan ng Pilipinas ukol sa kasunduang kanilang binitawan at tinanggap galing sa mg Amerikano. Dahil sa mga nabubuong hinala sa utak ni Heneral Luna ay ibinahagi niya ito sa mga ...